BEBOT NA TULAK TIKLO
Pabs Hernandez III
Jul 19, 2019
1 min read
ILOILO—Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Calajuan, Mandurriao sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jonaseth Aguirre, residente ng Bgy. Sta. Cruz, Arevalo sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Aguirre na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments