Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGGAMIT NG KANDILA KAPAG NAGDARASAL
- BULGAR

- Jul 19, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Estella ng Estella_Estella@face-book.com
Dear Señor,
Bakit gumagamit ng kandila sa pagdarasal at ang sabi ng mga kaibigan ko, kailangan daw ang mga kandila para makipag-communicate sa mga espiritu.
Totoo ba ‘yun?
Salamat!
Naghihintay,
Estella
Sa iyo Estella,
Iha, bawal na bawal ang sumangguni sa mga espiritu, letra-por-letra na nasusulat ito sa Banal na Kasulatan. Lalong bawal ang gumamit ng ritwal sa pagsasangguni sa mga espiritu.
Ang mga kandila ay may ningas at ang ningas ng kandila ay sinisimbolo ng tinatawag na “the hidden inner light” na nasa bawat tao.
Ito ang munting liwanag na taglay ng bawat tao. Hindi nawawala at naroroon ang ningas na ito. Kapag ang tao ay litung-lito kung ano ang dapat niyang gawin, ito ang gagabay sa kanya.
Kapag ang tao ay down na down, ito ang gigising sa kanya para muli siyang sumigla. Kapag ang tao ay hopeless, ito ang magbibigay sa kanya ng pag-asa.
Narito ang tamang paggamit ng mga kandila:
1. White candles ang gagamitin kapag ang mga prayer o request ay nag-uugat sa minamalas ang buhay na wala ng kapayapaan o katiwasayan. Ito rin ay ginagamit kapag ang tao ay umamin na siya ay makasalanan kaya kailangang maging malinis ang kanyang pagkatao.
2. Pink candles ang gamitin kapag ang hinahangad ay kapayapaan sa isipan o peace of mind. Kapag ang dalaga ay gustong magkaroon ng boyfriend, ito rin ang dapat niyang gamitin. Puwedeng-puwede rin ito para maayos ang magulong love life at ang mga dasal na ang layunin ay patinuin o hindi magkasala pa ang boyfriend, karelasyon o asawa.
3. Blue candles ang gamitin kapag ang kahilingan ay gumaling sa karamdaman. Lalung-lalo na sa mga sakit na ayon sa doktor ay wala ng lunas. Ito rin ay ginagamit kapag ang request ay promotion sa work at para talunin ang mga kakumpitensiya sa business.
4. Violet candles, ito ay ginagamit ng mga mistiko, monk, guru at ng mga high priest para mapabilis ang tinatawag na “union with God.” Gayundin, sa meditations, chanting at deep prayings. Magagamit din ito para sa mga kahilingan na gumanda ang kapalaran ng mga mahal sa buhay na nasa malalayong lugar.
5. Green candles, ito ay ginagamit para sa negosyo na lumago ito nang mabilis. Ang may sakit na may diperensiya sa anumang bahagi ng katawan, pero hindi dahil sa mga mikrobyo ay ginagamitan ng green candles. Ang mga patak ng green candles sa lalagyan ng pera sa pagtitinda ay magsisilbing lucky charm.
(Itutuloy)




Comments