top of page

PAGULAYAN, HALL OF FAMER NA SA U.S. BILLIARD CONGRESS

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

INILUKLOK na si Fili­pino-Canadian Alejandro “The Lion” Pagulayan sa Bil­liard Congress of Ame­rica (BCA) Hall of Fame upang maging pang-apat na produkto ng lahing kayu­mang­gi na mapabilang sa piling listahan ng mga disi­pulo ng pagtumbok.

Nakuha ng tubong Isa­bela na manunumbok na kilala rin sa tawag na “The Killer Pixie”, ang karanga­lan matapos daigin sa boto­han ang lady cue artist ng England na si Kelly Fisher.

Bago sa pagkakaluklok ng masayahing manlalaro, umakyat na sa prestihiyo­song talaan sina Efren “The Magician” Reyes (2003) at Francisco “Django” Busta­mante (2010) noong nakara­ang dekada. Si Jose “Amang” Parica ang sumunod sa ya­pak ng mga alamat mula sa Gitnang Luzon, limang taon na ang nakalilipas.

Unang nagpakilala sa mundo ng bilyar si Pagula­yan matapos na pumanga­lawa sa likod ni Ralf Souquet ng Germany sa 2002 US Open 9-Ball Championship.

Bridesmaid uli ang na­ging papel niya sa 2003 World Pool Championship nang tu­miklop sa tikas ng isa pang Aleman (Thorsten Hoh­mann). Taong 2004 nang hi­rangin siyang hari ng World 9-Ball Champion­ship dahil sa pag­gapi kay Pei Wei Chang ng Taiwan (17-13). Taong 2005 nang sa wa­kas ay makopo niya ang ko­rona ng US Open 9-Ball Cham­pionship.

Ang 41-anyos na Hall of Famer ay aktibo pa rin sa paglalaro at kasalukuyang nasa pang-apat na baytang ng 2019 AzBilliards Money­board.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page