MOST WANTED NASAKOTE
Pabs Hernandez III
Jul 18, 2019
1 min read
PANGASINAN—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pugaro, Balungao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Joey Saraos, nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Saraos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.





Comments