top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA IKALAWANG LALAKING MAMAHALIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Hiwalay na kami ng mister ko nang mahigit tatlong taon at may kinakasama na siya ngayon na ibang babae. Ang pagkakaalam ko, halos dalawang taon na silang nagsasama ng babae niya at may anak na sila ngayon. Apat ang anak namin, nasa kanya ‘yung da­lawa at nasa pangangalaga ko naman ‘yung dalawa pa.

  2. Sa ngayon ay may boyfriend ako at niyayaya na niya ako na mag­sama na kami at ito ang dahilan kung bakit ko sa inyo naisipang sumang­guni upang itanong kung tama kaya ang pasya ko na makisama na sa boy­friend ko na isinilang noong May 2, 1979 at September 16, 1978 naman ang birthday ko? Compatible ba kami at kung kami ang magsasama, magiging maunlad at maligaya kaya ang bubuuin naming pamilya?

KASAGUTAN

Bagama’t, kapansin-pansing dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, sadya namang biyak at maikli ang una (arrow a.) habang mahaba at makapal naman ang ikalawa (arrow b.). Ibig sabihin, kung minalas o hindi ka sinuwerte sa unang pag-aasawa dahil nagkahiwalay kayo, siguradong sa ikalawang pag-aasawa, susuwertehin at papalarin ka na. Ang pag-aanalisang may ikalawang mas masaya at okay sa alright na pag-aasawa ay madali namang kinumpirma ng nabiyak at nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa una hanggang gitnang bahagi, pero gumanda, naging maayos at luminaw na ang gitna hanggang sa dulong bahagi ng nasabing Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nasabi na, higit na mas magiging matagumpay at maligaya ang papasukin mong ikala­wang pag-aasawa kung ikukumpara sa una. Ibig sabihin, walang pagdadala­wang-isip, puwede mong tanggapin ang alok ng kasalu­kuyan mong boyfriend na mag­sama na kayo dahil bukod sa com­patible ang zodiac sign mong Virgo sa zodiac sign niyang Taurus, sadyang napaka­posi­tibo at maganda ang ipina­pangako ng mga tanda o guhit sa kaliwa at kanan mong palad.

DAPAT GAWIN

Ivy, ayon sa iyong mga datos, kung naging malungkot ang karanasan mo sa larangan ng pag-ibig sa unang pag-aasawa, umasa kang sa ikalawang pag-aasawa o pakikisama sa lalaking iyong mamahalin na isini­lang sa zo­diac sign na Taurus na kasalukuyan mo na ngang boyfriend, may pangako na ng maligaya at pangha­bambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page