top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Julie Anne, napalitan na agad… PIKTYUR NG LIPS-TO-LIPS NI BENJAMIN AT MODEL, KALAT NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

Kung sa Dahil sa Pag-ibig, problematic sa love life niya ang karakter ni Benja­min Alves na si Eldon, sa totoong buhay, masaya ang love life ng aktor at napa­li­tan na sa puso niya si Julie Anne San Jose.

Ang model na si Chelsea Robato na ang special girl ng aktor at kung baba­sahin ang convo nila, may relasyon na ang dalawa.

Hindi naman siguro sila maghaha­rutan at magpi-flirt sa social media kung wala lang ‘yun. Hindi rin iki-kiss ni Benjamin sa lips si Chelsea sa birthday nito kung friendship lang ang meron sila.

Ang comment nga ng mga followers ni Benjamin, nakapag-move on na siya nang bonggang-bongga sa breakup nila ni Julie at nawala na ang brooding look niya. Sa latest photos nito, lagi nang nakangiti ang aktor at nakikipagharutan nga kay Chel­sea na kagaya niya ay taga-Guam din.

Uwing-uwi na siguro si Ben­jamin noong nasa Mon­treal, Canada siya para du­malo sa 2019 Fantasia International Film Festival kung saan ang movie nila ni Solenn Heussaff na Misterio dela Noche (Mystery of the Night) sa direction ni Adolf Alix, Jr., ay nagkaroon ng world premiere.

Nagtataka lang kami kung bakit dinelete ni Benjamin ang picture nila ni Chelsea na kuha sa birthday nito, eh, magkatabi lang na­man sila. May lumabas na picture ng lips-to-lips nilang dalawa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page