HOROSCOPE | Hulyo 18, 2019 (Huwebes)
- BULGAR

- Jul 18, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 18, 2019 (Huwebes): Maaaring hindi mo pa alam, pero ikaw ay likas na masuwerte kaya ang madidikit sa iyo ay susuwertehin din, lalo na ang may mga negosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Mapatutunayan mo na ang pagtitiwala sa kapwa ay nauuwi lang sa pagsisisi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-29-30-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka puwedeng matalo ng kalungkutan, lalo na kung hindi mo alam kung bakit ka nalulungkot. Magsaya ka! Ang payo ay dumikit ka sa masasayahin, palabiro at palakuwento. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-28-24-27-31-33.
GEMINI (May 21- June 20) - Magdahan-dahan ka! Sa pagiging marahan, ang mga maaaring maganap na hindi maganda ay mapagpaplanuhan at maaagapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-25-32-34.
CANCER (June 21- July 22) - Hindi nabubuhay ang tao sa kanyang sarili lamang. Kailangan din niya ang kanyang kapwa at kaagapay. Ito ay susi sa tagumpay at kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-15-20-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw mismo ang magturo sa sarili mo kung paano mo lalabanan ang iyong mga kahinaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-24-26-35-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang umangal at kumontra sa mga alam mong mali at hindi mabuting nakikita mo. Mahirap paniwalaan, pero ito ang susi para ang mga suwerte ay mapasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-19-20-27-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang mayroon ka, pagkasyahin mo ito. Kung lalapit ka sa ibang tao, mas mabuting sa dati ng tumulong sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-17-20-21-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang patatalo sa mga negatibong naiisip mo. Kadalasan, ang tao ay lumilikha ng sarili niyang mga multo. Tinatakot ang sarili kaya hindi umaasenso ang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-18-19-24-28-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sagabal sa taong may ambisyon ang makakapal na ulap sa kanilang buhay. Kahit ang malakas na ulan ay hindi nila pinapansin. Ito ang iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-24-31-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Susuwertehin ka! Sino ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong panay ang kontra sa iyo. Aani sila ng masaklap na kahihiyan at matinding kalungkutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-24-27-35-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makababahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para maging malalaki at marami ang mapasaiyo, patawarin mo ang nakagawa sa iyo ng pagkakamali at kasalanan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-20-29-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang pumalag at hayaan mo lang ang pangit na nakikita mo sa mundo. Ang langit ang kikilos at isasaayos Niya ang lahat at ikaw ay tatanggap ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-22-25-30-34-41.




Comments