top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Air strikes ng Russia vs. Syria | 15 SIBILYAN NADAMAY

Jersey Sanchez
Jul 18, 2019
1 min read

NAPATAY ang 15 sibilyan kabilang ang anim na bata at sanggol sa serye ng air strikes sa hilagang-kanlurang bahagi ng Syria.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, karamihan sa mga bata ay kasama ng mga sibilyan na napatay nang salakayin ng Russian aircraft ang isang informal camp kung saan nananatili ang internally displaced Syrian.

Ang kampo ay malapit sa bayan ng Khan Sheikhoun sa Idlib Region, ang naging pansamantalang tahanan ng Syrians na lumikas sa Hama Province dahil sa mga pag-atake.

Ilang oras pagkatapos nito, napatay naman ang lalaki at buntis na asawa nito sa bayan ng Kefraya sa Idlib dahil sa air strikes na inilunsad ng hindi pa matukoy na aircraft.

Tumambad na lamang umano sa White Helmets volunteers ang mga labi ng nakabukas na tiyan ng ginang at kanyang sanggol.

Ayon sa Observatory, tatlong sibilyan kabilang ang isang bata ang napatay ng artillery fire sa hilaga ng lalawigan ng Hama.

Batay sa datos, nasa 590 sibilyan na ang napatay sa air strikes na inilulunsad ng Russian at Syrian forces sa Idlib.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page