Shoutout sa mga estudyante riyan na nakararanas ng pagbaha... TIPS PARA HASSLE-FREE SA PAGBIYAHE NGA
- Hiraya
- Jul 17, 2019
- 2 min read

ANG pagko-commute ay nagiging hassle depende sa panahon. Kaya ang tanong, paano ngayong tag-ulan? For sure, ayaw nating makaranas ng anumang aberya habang nasa biyahe dahil hassle ito para sa atin. Kaya, mga lodi, narito ang ilang tips para sa hassle-free na pagbiyahe ngayong tag-ulan:
1. ALWAYS BRING AN UMBRELLA. Given na ang tip na ito, beshy! Pero, ipinagpapaliban ng iba ang pagdadala nito dahil hindi bagay sa porma nila o tinatamad sila. Kaya lang, dahil sa bilis ng pagbabago ng panahon, saanman magpunta, dapat kang magdala nito para sa oras na abutan ka ng ulan sa daan ay ready ka.
2. OOTD CHECK. Siguraduhin nating nababagay ang suot natin sa panahon para iwas-diyahe sa biyahe. Perfect timing ito para gamitin ang water-repellant jacket natin. Gayundin, mabuting iwasan ang pasusuot ng mga damit na may light color dahil madali itong kapitan ng putik at dumi. Pass din muna tayo sa mesh at canvas sneakers dahil mahirap itong linisin sakaling kapitan ng putik. Okie?
3. HAVE A SURVIVAL KIT. Alcohol/sanitizer, tsinelas, extra na damit, eco- bag, first aid kit at power bank, ito ang dapat laman ng bag mo tuwing magko-commute ka ngayong tag-ulan para manatiling malinis at hassle-free. Gayundin, panatilihing fully charged ang inyong power bank para siguradong magagamit ninyo ito anumang oras.
4. KEEP YOUR PHONE CHARGED. ‘Ika nga nila, communication is the key, kaya bago lumabas ng bahay, siguraduhing may charge ang iyong mobile phone para mabilis mong maipaalam sa iyong pamilya na ikaw ay nasa ligtas na lugar. Gayundin, paraan ito para makahingi ka kaagad ng tulong sakaling ikaw ay malagay sa panganib.
5. CHECK WEATHER UP DATES. Bagama’t, alam nating tag-ulan na, hindi natin alam ang espisipikong araw at oras kung kailan uulan. Bilang paghahanda, inirerekomenda ang pagtutok sa TV, radyo o smartphone para sa weather updates.
Sa ganitong paraan, mas madali mong matatantiya kung gaano kaaga ka dapat umalis sa bahay, gayundin ang mga dapat mong dalhin. Mga besh, make sure na wala kayong makalilimutang gawin sa tips na ito para maiwasan n’yo ang anumang hassle saanman kayo pumunta. Gayundin, huwag kalimutang ibahagi ang mga ito sa inyong pamilya at mga kaibigan. Keep safe, mga ka-BULGAR!




Comments