Sekyu tinodas sa resort
CAGAYAN—Isang security guard ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa resort sa bayan ng Sta. Ana sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Jonar Balanay, guwardiya ng beach resort sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Balanay ay biglang sumulpot ang dalawang suspek at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments