top of page
Pokwang.jpg

Lolo dedbol sa armado

Pabs Hernandez III
Jul 17, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang 67-anyos na lolo ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki, kamakalawa sa Bgy. Tutuloy, Cuyapo sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Tranquilino dela Cruz, nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na habang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay si Dela Cruz ay biglang pumasok ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page