Bangka lumubog, 1 dedo

NASAWI ang isa sa mga pasahero ng lumubog na bangkang de motor pasado alas-3:00, kamakalawa ng hapon sa karagatang sakop ng Limasawa sa Southern Leyte.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang nasawi na si Adelaida Araneta Palero.
Si Palero ay narekober ng mga rumespondeng tauhan ng Philippine Coast Guard, PNP at Limasawa Emergency Rescue Team, ganundin ang 13 pasahero, isang crew at operator ng naturang bangka.
Ang lumubog na “MB Ruel” ay pag-aari ng isang Ruel Daling, residente ng Bgy. Lugsongan, Limasawa.





Comments