top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Para higpitan ang gun laws | BARIL PALIT PERA

Jersey Sanchez
Jul 16, 2019
1 min read

ISINUKO ng ilang mamamayan sa New Zealand ang kanilang pag-aaring armas kapalit ng pera.

Ito ay dahil inilunsad ng mga awtoridad ang gun buyback scheme na layong alisin sa bansa ang semi-automatic weapons dahil sa mosque attacks sa Christchurch.

Ayon sa mga awtoridad, nakapagbayad na sila ng mahigit $290,000 sa 169 gun owners sa naturang okasyon.

Ang mga isinusukong baril ay dinudurog gamit ang hydraulic press habang ang kapalit na pera ay dumidiretso sa bank account ng mga gun owner.

Samantala, suportado ng oposisyon ang pagpasa ng naturang batas upang higpitan ang gun laws sa bansa.

Nais nilang maalis ang sirkulasyon ng pinakamapanganib na armas, ayon kay Police Minister Stuart Nash.

Matatandaang, pinagbabaril ang 51 katao habang nagdarasal sa dalawang moske sa naturang lugar noong Marso ngayong taon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page