Malinaw ayon sa palad... LALAKING NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD NGAYONG TAON


KATANUNGAN
Nag-a-apply ako sa abroad ngayon, pero hindi ko pa tiyak kung makaaalis ako, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may guhit ba sa aking mga palad na ako ay makapangingibang-bansa?
Kung sakaling matuloy ako, susuwertehin kaya ako sa bansang pupuntahan ko?
KASAGUTAN
Positibo ang tugon, ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ngayong dumadalas ang buhos ng ulan, mabilis na mapoproseso ang mga papeles mo patungong ibang bansa, ngayong huling linggo ng buwan ng Hulyo o kaya ay sa unang linggo ng Agosto, tunay ngang may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad at susuwertehin ka ngayong taon ay madaling kinumpirma ng birth date mong 30 kung saan tulad ng naipaliwanag na, magsisimula ang suwerte mo ngayong 2019 dahil may sumatutal na 3 ang 2019 (20+19=39/ 3+9=12/ 1+2=3), sa buwan ng Hulyo, magtutuluy-tuloy ito hanggang sa mga taong 2020, 2021 at 2022. Sa nasabing mga taon, tuluy-tuloy nang uunlad at lalago ang iyong kabuhayan dahil sa mapalad na pangingibang-bansang nakatakda na sa guhit ng kaliwa at kanan mong palad (t-t arrow a.) at sa iyong kapalaran.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Carlo, saktung-sakto dahil nagtataglay ka ng good-looking Travel Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nangangahulugang ang inaasahang pangingibang-bansa ngayong taon, sa edad mong 30 pataas ay kusang magaganap na maghahatid sa iyong karanasan ng masagana at mabungang kapalaran.




Comments