top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BOSS EMONG, BABAWIAN NG REAL GOLD SA TRIPLE CROWN

  • Ding Taboy
  • Jul 16, 2019
  • 2 min read

RENDA at LATIGO

MAHIGPIT na maglalaban para sa huling yugto ng 2019 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race ang mga kalahok sa tagpo na magaganap sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas sa darating na Hulyo 21, 2019.

Maging sa Philracom “Hopeful Stakes Race” at ”3-Year-Old Locally Bred Stakes Race ay binibigyan ng magandang laban dahil may mga bagong kalahok ang sumali rito.

Maghaharap sa huling yugto ng Triple Crown ang mga kalahok na Boss Emong, Jayz, My Dad Bogart, My Jopay, Real Gold, Shanghai Grey at Sir Joaquin. Mahigpit na maglalaban sa titulo ang 1St Leg TC Stakes Race na Real Gold at 2nd Leg Triple Crown na Boss Emong dahil higit na mas mahaba ang tatawirin ng mga kalahok.

Binibigyan ng malaking panalo ang mga de remate gaya ng mga kalahok na Boss Emong, Real Gold at Jayz. Kani-kanyang diskarte ang gagawin ng mga hinete sa kanilang mga sakay. Sinasabing nakatsamba ang Boss Emong at naungusan nito ang dating kampeon na Real Gold sa unang tagpo.

Subalit, tinitingnan din ang My Jopay na may panalo sa nasabing karera kung mapababayaan sa unahan. Tatanggap ng P1.8 M ang mananalo sa Triple Crown at tatanggap ng P675,000 ang pangalawa at P375,000 ang 3rd placer at P150,000 ang 4th placer.

Maghaharap ng mahigpit ang mga kalahok na Best Regards at My Sheltex sa Hopeful Stakes Race at magiging banta rin ang Phenomenal, The Accountant, Two Timer at Westeros. Tatanggap ng P600,000 ang magiging kampeon habang tatanggap ng P225,000 ang 2nd placer, samantala, mag-uuwi ng P125,000 ang 3rd placer at P50,000 para sa 4th placer.

Samantala, magkakaharap sa “3-Year-Old Locally Bred Stakes Race” ang Gil’s Magic, Gintong Tubig, KickBack, Perfect Time, Silab, Weather Lang at Parokya ni Nitoy. May nakalaang P500,000 na guaranteed prize sa unang apat na makatatawid sa finish line.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page