BABALA NA MAHINA ANG PANLABAN SA MIKROBYO

Salaminin natin ang panaginip ni Haide ng Heide_Cortez@facebook. com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin kapag nanaginip ka ng bilug-bilog sa katawan at saka parang inuuod daw ako, tapos, may humahabol sa akin sa parada at kasama ko si Mr. Eddie Garcia?
Sana, masagot ninyo kaagad kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.
Salamat!
Naghihintay,
Heide
Sa iyo Heide,
Marahil, takot na takot ka dahil kahit sino ang makapanaginip ng napanaginipan mo ay tiyak na negatibo ang papasok sa isipan.
Gayunman, ang panaginip, para sa iyong kaalaman ay pangkaraniwang nagbababala ng maaaring mangyari sa hinaharap, kumbaga, ang panaginip ay kadalasang hindi tulad ng hula.
Malaki ang pagkakaiba ng babala sa hula. Ang babala ay puwedeng maagapan ang hindi mabuting maaaring mangyari. Halimbawa rito ang mga babala tulad ng “bawal tumawid, nakamamatay”.
Ang panaginip ay nagbababala na mahina ang iyong panlaban sa mikrobyo. Ano ang gagawin mo?
Eh, ano pa nga ba kundi ang kumonsulta sa tunay na doktor at hindi sa mga albularyo.
Ang isa pang babala na puwede ring paalala ay ang madalas nating binabanggit dito sa ating kolum na “forewarn is forearm”!
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments