Sa Kapuso actress lang daw na- starstruck... HIRIT NI KATHRYN: MARIAN, PINAKAMAGANDA SA BUONG MUNDO
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAG-GUEST kamakailan sa Kapuso morning show na Unang Hirit si Kathryn Bernardo para sa promotion ng movie nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye.
Sa naturang show, tinanong si Kath ng isa sa mga hosts na si Luanne Dy kung sino sa mga Kapuso actresses ang gusto niyang makatrabaho.
Sagot ng Kapamilya actress, “Miss Marian Rivera po. Siya lang ‘yung artista na na-starstruck ako. ‘Di kami nagkasama pero nagkikita kami sometimes sa events. Pumunta siya nu’ng debut ko, sobrang saya ko nu’ n.”
Dugtong pa ni Kathryn, “For me, siya ‘yung pinakamaganda sa buong mundo.”
Matatandaang nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Endless Love nu’ng 2010. Ang role ni Kat ay batang Marian kaya hindi nagkaroon ng eksena ang dalawang aktres.
Maraming netizens tuloy ang nagri-request na sana ay magkatrabaho ang dalawang magandang aktres someday.





Comments