top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Upuan bilang judge, hirap na hirap daw makaikot… HIRIT NG NETIZEN: SHARON, ‘DI NA NAKABALIK SA THE V

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 2 min read

SA kanyang social media account, ipinaliwanag ni Sharon Cuneta kung bakit hindi na siya kasama sa pagbabalik ng reality-based singing search na The Voice Kids na mag-uumpisa na nga­yong Agosto.

Retained naman ang three other original coaches na sina Sarah Gero­nimo, Bamboo and Lea Salonga sa The Voice Kids Season 4.

Sa last kids’ edition aired in 2016, isa si Sharon sa mga coaches.

Sa recent Instagram post, may netizen na nagtanong kay Megastar kung bakit ‘di na siya kasama sa mga judges ngayong season.

Sagot ni Sharon, sobrang stress ang naidudulot sa kanya ng pagiging judge sa The Voice Kids, lalo na kapag kailangan niyang magtanggal ng contestant sa kanyang team.

Ipinaliwanag din ni Sha­ron kung bakit pinupuna lagi ang pagiging ‘iyakin’ niya sa show.

She admitted that she has a tendency to become too attached to the kids.

Aniya, “I cannot stand the stress kasi. I become so attached to the kids and it weighs heavily on my heart ‘pag kailangan na mag-eliminate. Nu’ng May ko pa sinabi kay Mr. M ‘yun.”

Ang Mr. M na tinutukoy niya ay si Mr. Johnny Mana­han, ang founder ng Star Magic, ABS-CBN’s talent arm.

Hindi na naiparating kay Sharon ang komento ng ibang netizens gaya ni Kagawad Melo ng Punta, Sta. Ana, na kaya raw hindi na ibinalik si Sharon ay dahil sa ‘timbang’ ng Megastar.

Puna ni Kagawad Melo, “Nahihirapan siyang mag-turn around sa bigat niya, baka kumalas ang upuan niya ‘pag umikot pa siya.”

Uy, in fairness, ang laki na talaga ng ipinayat ni Mega kaya unfair namang sabihan siya na ang weight problem niya ang dahilan kaya ‘di na siya nakabalik sa The Voice Kids.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page