Paraan upang hindi maimpeksiyon ang mga tainga
- BULGAR

- Jul 14, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane,
Nababahala ako dahil tila may lumalabas na likido sa aking mga tainga. Sa palagay ko, ito ang dahilan kaya humihina ang aking pandinig. Saan ba ito nakukuha at ano ang gamot para rito? — Jasmir Sagot
Ayon sa pag-aaral ng espesyalista sa tainga, natural lang ang pagkakaroon ng tutuli sa mga tainga.
Ang earwax o tutuli ay natural by-product. Ito ay natural na ipino-produce o ginagawa sa loob ng mga tainga dahil mayroong glands sa mga tainga na nagpo-produce ng tutuli.
Kapag naipon ang tutuli, maaaring magkaroon ng impeksiyon na dahilan kaya nagkakaroon ng luga o ear discharge.
Ang luga ay puwede rin manggaling sa impeksiyon sa loob ng mga tainga o middle ear na tinatawag.
Narito ang ilan sa mga sintomas para malaman kung may ear discharge ang pasyente:
may tumutulo sa mga tainga na kulay dilaw o berdeng likido
humihina ang pandinig
pagdurugo sa loob ng mga tainga
Gayundin, ilan sa maaaring dahilan nito ay ang pagpasok ng matigas na bagay sa mga tainga na dahilan ng pagkakasugat ng ear drum o ear canal. Mayroong tinatawag na “swimmer’s ear” o ang kondisyon kung saan napasukan ang mga tainga ng maruming tubig.
Kung minsan, nagkakaroon ng ear discharge ang tao dahil sa matinding sipon o nasal allergies.
Pagdating sa kulay, malaki ang pagkakaiba ng tutuli at luga. Kulay brown na may halong dilaw ang tutuli, samantalang, kulay dilaw hanggang sa paberde naman ang kulay ng luga. Maaari ring mangamoy ang luga, lalo na kung hindi ito agad matatanggal sa mga tainga.
Narito ang ilang paraan upang hindi maimpeksiyon ang mga tainga:
Linisin lang ang labas ng mga tainga gamit ang cotton buds. Tandaan na kung lilinisin ang loob ng mga tainga, lagyan ng oil ang cotton buds at dahan-dahang linisin.
Huwag piliting linisin ang pinakadulo nito.
Iwasang mapasukan ng tubig ang mga tainga kapag lumalangoy o naliligo. Gumamit ng swimming o shower cap.
Huwag magpapasok ng matitigas at matutulis na bagay sa mga tainga.




Comments