top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para sa mga hindi naaalagaan ang sarili riyan... MGA BAGAY NA HINDI DAPAT KALIMUTANG GAWIN, ARAW-ARA

Donna Thea Topacio
Jul 14, 2019
2 min read

MARAHIL, marami sa atin ang nakalilimutan na ang ma­hahalagang bagay na dapat ga­win sa araw-araw dahil masya­dong busy sa katatrabaho at iba pa. Pero, dahil sobra itong impor­tante hindi lang sa pisikal kundi maging sa espirituwal at emos­yunal na well-being natin, narito ang 5 things na dapat gawin:

1. DRINK WATER. Umulan, bu­magyo, tubig ang sagot sa problema ninyo! ‘Yung tipong kahit wala ka ng makain, basta may inumin, eh, ayos na. Kaya don’t forget na uminom ng tubig, mga beshy, okie?

2. PRAY AND BE THANKFUL. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi lahat puro saya lamang, pero kahit marami ta­yong problemang kinahaharap, huwag nating kalilimutang magpasalamat at humingi ng tawad sa nasa itaas. Mainam ito para sa inyong spiritual well-being.

3. ENJOY. Of course, kaya nga tayo nabubuhay, eh, para mag-enjoy at maging masaya. Kaya hangga’t kaya natin itong gawin, du’n tayo magpokus para maka­iwas tayo sa stress na may masamang naidudulot sa ating kalusugan.

4. LOVED AND BE LOVED. Masarap sa feeling kapag nagma­mahal, kaya make sure na kahit single kayo, hindi kayo bitter o pusong-bato nang sa gayun ay magkaroon din kayo ng chance na makatagpo ng taong maa­asahan ninyo sa lahat ng pagka­kataon. Copy?

5. SELF-DEVELOPMENT. Bu­kod sa kailangan nating enjoy-in ang buhay, dapat magkaroon din tayo ng purpose na ma-develop pa ang ating sarili, halimbawa, kada araw may par­tikular na bagay kang dapat magawa na hindi mo pa nagawa sa nakaraan o kaya, ito ang magiging daan para ma­abot mo ang iyong mga pangarap.

Oh, ayan, kaya kung medyo nag-aalinlangan pa kayo sa buhay, sundin ninyo ang mga payo na nasa itaas para magkaroon kayo ng buhay na magaan at masaya.

Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page