top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG HINDI MAGING MALIGAYA KUNG IPAGPAPATULOY ANG RELASYON S

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon, ang problema, may iba pa siyang babae bukod sa akin. Noong una, ang bait-bait niya, tapat at totoo, pero nga­yon, na­tuklasan kong dalawa pala kami sa bu­hay niya.

  2. Gusto kong maki­pag-break sa kanya, kaya lang, parang hindi ko kayang gawin dahil mahal na mahal ko pa rin siya kahit alam kong may kahati ako.

  3. Maestro, payuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang nakaguhit sa aking mga palad, siya na ba ang makakasama ko o may darating pang iba?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang nawasak na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na kapag hindi mo hiniwalayan ang kasalu­kuyan mong boyfriend, hindi ka magiging mali­gaya sa kanyang piling, sa halip, problema at sakit lamang ng kalooban ang ipalalasap niya sa iyo ha­bang hindi mo ma­ga­ga­wang pagbawalan siya na makipagkita sa isa pa ni­yang girlfriend. Kum­baga, kahit pagbawalan mo siya dahil alam niyang mahal na mahal mo siya, susu­wayin ka rin niya at sa bandang huli, mabubun­tis ka at lalo mong hindi ma­gagawang hiwalayan ang playboy mong boyfriend hanggang sa tuluyan mo siyang mapangasawa.

  2. Pero, hindi pa ‘yun ang masaklap, sa sanda­ling napangasawa mo na ang lalaking ‘yan, akala mo ba’y magbabago ang kanyang nakaugaliang pam­bababae? Hindi! Sa halip, lalo pa siyang sasa­ma sa panahong mag-asawa na kayo sapagkat ang pagiging babaero niya ay mananatili sa kanyang katangian nang maha­bang panahon, maliban na lang kung bigla siyang ma­untog at magbago na malabong mangyari.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, ayon sa iyong mga datos, hindi ka dapat magtiis at magpaka­martir dahil hindi na uso ang mga ganu’n ngayon sa larangan ng pag-ibig.

  2. Dagdag pa rito, hin­di mo ba naiisip na ang pagtitiis mo ngayon ay mag­bubunga ng mas ma­bibigat pang pagtitiis sa darating na mga panahon at ang dapat mong gawin ngayon ay putulin na ang pa­kikipagrelasyon sa boy­friend mong may iba pang girlfriend upang tulu­yan ng ma­tul­du­kan ang iyong mga prob­le­­ma at pasakit sa buhay.

  3. Sa ganyang paraan lamang, tu­tul­dukan mo na ang kasalukuyang re­lasyon, makalalaya ka na sa pagkaka­ma­­ling minsang na­ganap sa iyong bu­hay-pag-ibig.

  4. Oo, Daisy, sadyang masarap umibig at mag­mahal, ngunit, minsan, may­roong mga taong hindi mo dapat mahalin, sila ang mga taong hindi ka­yang mag­ma­hal nang tapat at sa iisang tao.

  5. Kaya habang may pa­nahon pa, walang ibang solusyon sa kasalukuyan mong problema kundi ang makipag-break ka na sa playboy mong boyfriend upang pagkatapos sa ika­lawang pakikipagnobyo (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, habambuhay ka ng liligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page