top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

HOROSCOPE | Hulyo 14, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 14, 2019 (Linggo): Pinagkalooban ka ng malakas na personali­dad. Gamitin mo ito para sa iyong kapakanan at hin­di sa iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng lakas sa mga tagum­pay mo sa nagdaan. Ito ang pang­gagalingan ng iyong lakas para talunin mo ang pag-aalinlangan sa iyong sa­rili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-19-20-23-39-40-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka da­pat magpata­ngay sa mga negatibong pananaw na naglalabas-masok sa iyong isipan. Tandaan mo, hu­wag mong kalimutan na kahit kailan ang negatibo ay hindi magbubunga ng positibo. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-1-16-20-24-30-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong ubusin ang iyong oras sa pag-iisip ng mga proyek­tong hindi mo magagawa nang mabilis. Mas magan­dang maging abala ka sa mga alam mong kayang-kaya mo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-4-18-24-28-32-36.

CANCER (June 21- July 22) - Hindi pu­wede na wala kang lovelife o minamahal. Kaya mag­mahal ka at huwag kang matakot dahil normal lang ito para sa mga taong may puso at damdamin. Ito ang iyong isipin sa araw na ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-18-29-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tu­tulungan mo ang ayaw mong tulungan. Ang nakapagtataka, ikaw at siya ay kapwa daragsain ng magagandang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-25-39-40-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang mga kilos mo dahil tataku­tin mo ang iyong sarili kung saan aakalain mong hindi magiging maganda ang mga resulta ng mga gina­gawa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-22-27-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Problema sa pag-ibig ang kinahaharap mo. Hayaan mo lang ito para hindi ka makara­ramdam ng sakit ng ulo at kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-25-31-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang humi­ngi ng tulong da­hil sasama lang ang loob mo. Huwag ka rin mu­nang tumulong dahil ba­­ba­lewalain ang mga itu­tulong mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lot­to-3-18-21-29-30-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Balikan mo ang iyong mga plano, may makikita kang dapat ba­guhin. Huwag mong tiga­san ang iyong kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-23-25-39-49-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magaganap ang hindi mo gusto. Pero, hindi ito na­ngangahulugang ang gusto mo ay hindi mo na maku­kuha pa. Ibig sabihin, ma­pasasaiyo pa rin ang mga ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-24-25-33-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang su­malungat sa mga kagus­tuhan mo ay mamalasin na para bang ang kani­lang makababangga ay ang mis­mong langit. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-25-28-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdag na ka­alaman ang iyong kailangan sa papasukin mong negosyo o pagkakakitaan. Huwag kang maniwala na ang pag­papayaman ay palakasan lang ng loob. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-16-20-35-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page