DRIVER TINODAS NG RIDING-IN-TANDEM
NORTH COTABATO—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Inug-ug, Pikit sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Faizal Malabana, residente ng Pagulungan, Maguindanao.
Nabatid na habang minamaneho ni Malabana ang kanyang tricycle pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments