top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bagong partner ni Kathryn, suportado, Daniel… KARLA, PURING-PURI SI ALDEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

NAG-ENJOY ang mga supporters nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa sabay nilang guesting nu’ng Biyernes sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN at Unang Hirit ng GMA-7.

Nahilo ang mga supporters ng dalawa kung aling channel at kung anong show ang kanilang panonoorin.

Si Amy Perez ang nag-interview kina Kathryn at Alden sa Umagang Kay Ganda at sina Suzi Entrata at Luanne Dy naman ang nag-interview sa kanila sa Unang Hirit.

Ang susunod na aabangan ay ang guesting ni Alden sa Magan­dang Buhay hosted by Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Magsisilbing reunion ni Alden kina Jolina at Karla ang guesting niya sa Magandang Buhay dahil nakasama ni Alden si Jolina sa teleseryeng Mundo Mo’y Akin at si Karla ay sa Alakdana. Magandang kuwentuhan ang mangyayari ‘pag nagkataon at muling pagkikita ng tatlo.

Makakapagpasalamat na rin si Alden kay Karla sa good words na sinabi niya kay Alden na nabanggit niya kay Daniel Padilla at sa suporta ni Karla sa Hello, Love, Good­bye kahit nagsu-shooting pa lang si Director Cathy Garcia-Molina.

“Welcome back!” naman ang bati ng ilang Kapuso kay Kathryn dahil parang comeback niya ito sa GMA-7 after a long time at mula nang lumabas siya as the young Jenny and the young Marian Rivera sa Korean adaptation ng Endless Love.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page