23 PATAY SA BANGGAAN NG TREN
NASAWI ang 23 katao habang sugatan ang 73 iba pa matapos ang banggaan ng dalawang tren sa Central Pakistan.
Nabatid na nabangga ng pampasaherong tren mula sa Lahore ang nakahintong tren sa Rahim Yar Khan District sa probinsiya ng Punjab.
Ayon sa senior official ng Pakistan Railways, nadagdagan ang bilang matapos masawi ang ilang isinugod na biktima sa iba’t ibang ospital.
Kinumpirma rin nito na naalis na ng mga rescuer ang lahat ng biktima sa pinangyarihan ng insidente.
Nakatutok na aniya ang mga awtoridad sa pag-aayos ng track line ng tren.
Dahil dito, ipinag-utos ni Prime Minister Imran Khan sa railways minister na gumawa ng agarang aksiyon para matiyak ang safety standards ng mga tren.





Comments