top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

‘Di raw makapag-decide kung join sa MMFF, humingi ng payo… HIRIT NG MGA NETIZENS: KRIS, MAY SAKIT KA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2019
  • 3 min read

PASOK sa Metro Manila Film Festival 2019 ang horror film na K(Ampon) under Quantum Films na pagbibidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay, pero parang nagdadalawang-isip ang una base na rin sa kanyang Instagram post.

Sa kanyang recent post, ang mga netizens ang tinanong ni Kris kung dapat ba niyang ituloy na gawin ang movie or mag-back-out na siya ngayon pa lang.

Ayon kay Kris ay kailangan daw niyang sundin siyempre ang kanyang mga doktor at may checklist na ibinigay sa kanya bukod pa nga sa kailangan din siyang bigyan ng medical clearance to do the film.

May checklist sila regarding my health & kung magbibigay sila ng medical clearance for me to shoot a horror. I’ve accepted na may physical limitations na talaga ‘ko...

“Humility has taught me other actresses can credibly play my role.

“Kaya po kayo ang tatanungin ko (since kayo naman ang manonood) - should I make my return via this horror movie or give way now para makahanap na ng other actress to take my place?

“Nagtanong ako, so hindi mapipikon sa kung ano man ang sagot,” ang bahagi ng post ni Kris.

Ipinahayag din niya ang kanyang pasasala­mat sa pagkakapili sa K(Ampon) bilang isa sa first Magic 4 official entries ng MMFF 2019.

May isang netizen na nagkomento na mag-retire na lang siya at hindi raw niya matatalo ang ibang kalaban sa MMFF.

“Mag-retire ka na, I don’t think you can beat Vice Ganda, Anne Curtis, Vic Sotto, Maine Mendoza this year, so save your horror career,” ang komento ng isang netizen na may handle name na paulasyjuco.

Sinagot ito ni Kris at aniya, alam naman niyang mabibigat ang kalaban niya at “underdog” daw siya since wala siyang regular exposure sa TV for 4 years now.

I also know there’s no way to beat or even equal them. Nakaapak naman sa lupa ang paa ko. Pero hindi masama ang hangarin na mabawi ang puhunan at gumawa ng movie na may “tapang” ang kuwento.

“Paula, clearly underdog ako, I have had no regular free tv exposure for almost 4 years, unlike Bossing, Maine, Anne, and Vice. So, hindi ganu’n kataas ang expectations, in essence less pressure,” saad ni Kris.

Honestly, hindi raw niya ini-expect talaga na mapipili ang K(Ampon).

I saw the movie budget, feasible siya from a business perspective... straight & real talk, hindi ko talaga in-expect to be chosen.

“Why? Kasi may entry si Robin Padilla na horror. And meron ang Ten17 Productions ni Direk Paul Soriano. Why would a festival under MMDA choose a movie starring Kris Aquino, right?

“Alam na alam kong hindi namin panahon ngayon but maybe Senator Bong Go who is in the Executive Committee is really a man who plays FAIR and looks beyond politics.

“Diretsong sagot, ha, kung wala siya sa committee, it would be easier for me to decide. But a door was opened for me after so many had been shut. Kaya napaisip na puwede pa rin pala to go beyond our perceptions & have faith,” ang mahabang sagot ni Kris sa basher.

Hati ang mga advice actually ng netizens sa kanya. May mga nagsa­bing magpahinga na lang siya ‘coz hindi siya 100% healthy now at ibigay na sa ibang aktres ang pelikula.

Pero marami rin namang nagpayo na gawin niya ang pelikula kung ito ang ikasasaya niya and even praised her for being the one and only Horror Queen. May nagbigay din ng advice na kung ano ang sabi ng mga doktor niya ay ‘yun muna dapat ang sundin niya dahil mas importante ang kanyang kalusugan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page