top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 13, 2019 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 13, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 13, 2019 (Sabado): Iaangat ka ng iyong kapalaran sa ita­as kapag ikaw ay na­tag­puang nasa ibaba. Hin­di ka isinilang para sa ma­ba­babang posisyon. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong intindihin ang kasalukuyan, ang tutukan mo ay ang hinaharap. Ang tagumpay ay hindi hinuhusgahan sa kasalukuyan. Ito ang pa­lagi mong iisipin habang ikaw ay nagsisikap. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-23-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Binigyan ang tao ng mga paa para tu­mayo kapag nadapa. Kaya ang kabiguan ay pansa­man­tala lang. Tumindig at muli kang makipagsa­pa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-25-34-40-44.

GEMINI (May 21- June 20) - Nakatutuwa ang mangya­yari sa iyo da­hil kahit kulang na kulang pa ang iyong kakayahang mamuno at humawak ng mga tao, ito pa rin ang ma­giging papel mo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-17-25-34-39.

CANCER (June 21- July 22) - Nanana­tiling mala­kas ang karisma mo. Kung gagamitin mo ito para makinabang, ma­bilis kang aasenso. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Gamitin mo na ito ngayon. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-11-14-16-20-24-25.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­hit mala­kas ang tao, hihina siya kapag ang pi­nakinggan niya ay ang kanyang damdamin. Ma­la­kas ka at para pakina­bangan mo ito, magpokus ka sa pagpaparami ng ka­buhayan. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-19-22-24-28-30-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling iba­balik sa iyo ng langit ang pag­kakataong humawak ng mga tao na tiyak na susu­nod sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-20-31-37-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong gan­da para mabi­lis kang umasenso. Hindi para sa iyo ang payo na ang kagandahan ay para lang sa pakikipagrelas­yon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-17-20-25-39-44-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magu­gu­lat kung ang tutulungan mo ay haha­wak ng mataas na ranggo, kumbaga, siya ngayon ay mahina, pero hindi siya mananatiling umaasa lang sa tulong ng kanyang ka­p­wa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-24-30-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napan­sin mo ba na nagbalik ang iyong saya? Ito ay dahil muli mong nakaugnayan ang noon pa lang ay nag­bibigay na sa iyo ng saya at ligaya. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masu­wer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-13-18-22-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magdu­duda sa sarili mong kakayahan dahil sobra sa sapat ang mga ito para umasenso ka. Ang kailangan mong gawin ay ang talunin mo ang iyong pagiging mahiyain. Masu­­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-19-20-25-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Naka­pag­tataka ang kapala­ran mo dahil palagi kang napapalapit sa mga taong may sinasabi sa buhay kung saan muli mo silang mapakikinabangan. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-21-25-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon! Sino ang mama­lasin? Eh, sino pa nga ba kundi ang mga kontra nang kontra sa mga ka­gustuhan mo, gayundin ang mga lihim na inggit na inggit sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-18-22-28-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page