top of page

Dapat daw hindi natin sila dinidiktahan sa gusto nila... 6 REASONS KUNG BAKIT NAGKAKAROON NG ‘POOR P

  • Justine Daguno
  • Jul 13, 2019
  • 2 min read

NAI-STRESS na ba kayo dahil palagi na lang bagsak o hindi maganda ang sta­tus sa pag-aaral ng inyong anak, kapatid o sinumang pinaaaral ninyo?

Sa totoo lang, maraming dahilan kaya may mga estudyante na bumabagsak sa school. Karamihan, ito ay dulot ng prob­lema sa mental at psychological na as­peto. Kung iisipin natin, magkakaiba ang personalidad at kapasidad ng pag-iisip ng bawat bata kaya bago natin sila husgahan, narito ang ilang dahilan kung bakit may mga estudyanteng bumabagsak o nagka­karoon ng ‘poor performance’ sa school:

1. POOR TIME MANAGEMENT SKILLS. Karamihan sa mga estudyante ay nakararanas ng ganitong sitwasyon, hindi dahil tamad sila kundi dahil madali silang ma-distract. Habang maaga pa, turuan natin sila tungkol sa tamang paggamit ng oras, puwede silang gumawa ng outline o checklist nang sa gayun ay magawa nila ang kanilang school tasks nang hindi nagagahol o nauubusan ng oras.

2. SAFETY ISSUES. Kapag dumadalas ang pagliban ng estudyante sa paaralan, hindi natin sila dapat pinagagalitan kaagad, bagkus, kailangan natin silang obserbahan. Maaaring biktima sila ng bullying o mayroon silang mga iniiwasan kaya ayaw nilang pumasok sa school. Humanap tayo ng tiyempo para kau­sa­pin sila tungkol sa problemang ito.

3. LOW SELF-ESTEEM. Napakahi­rap magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, lalo na kapag napaliligiran ka ng mga taong ma­panghusga. Kung napapansin mong mahi­yain o hindi palakaibigan si bagets, gumawa tayo ng paraan para matulungan silang mag­karoon ng self-confidence sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga bagay na interesting o makapagpapasaya sa kanila.

4. LACK OF DESIRE. May mga estudyanteng marunong sa English subject, pero hate ang Math o vice-versa. Ka­ramihan sa mga mag-aaral ay under­ achiever dahil kahit may potensiyal sila, hindi nila trip ang kanilang ginagawa o wala silang sapat na motibasyon para gawin ito.

5. WRONG PROGRAM. Ito ‘yung tipong mas competitive pa ang magulang kaysa sa anak nila. May mga magulang na ini-enroll nila ang kanilang anak sa prestigious school, all-boys/all-girls school o pinakukuha ng kurso kahit hindi kom­portable ang estudyante. Tandaan, ikala­wang tahanan ng mga bata ang eskuwelahan, iwasan nating ma-awkward o malimitahan ang kanilang galaw dahil sa pansarili na­ting kagustuhan. Mahalaga ang opinyon nila dahil sila ang mag-i-stay sa school at mag-aaral nang mahabang panahon, hindi tayo.

6. LESS PERSEVERANCE. Hu­wag natin hayaang mawalan ng gana sa pag-aaral ang mga bata, maraming alterna­tibong paraan para mapanatili ang kanilang interes sa pag-aaral. Kaya dapat sa bawat pagkaka­taon ay ipaintindi natin sa kanila ang kahala­gahan ng edukasyon sa kanilang buhay.

Bawat araw, maraming kabataan ang humaharap sa iba’t ibang struggle tulad nating mga adult kaya hangga’t maaari, habaan natin ang ating pasensiya na intindi­hin sila at huwag tayong mapagod na ipa­unawa sa kanila ang mga bagay-bagay na dapat nilang matutunan at malaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page