top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bela, knows mo ba 'yan? DAHILAN KAYA SI ANGEL ANG NAPILING PAKASALAN NI NEIL, IBINUKING NI BOY 2

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2019
3 min read

DIREKTOR na rin ng pelikula ang aktor/producer na si Boy2 Quizon. Siya ang direktor ng first movie team-up ng mag-ex na sina Iñigo Pascual at Maris Racal titled I’m Ellenya L..

Super excited si Boy2 sa kanyang first directorial job dahil pasok din ang I’m Ellenya L. as one of the official entries sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines headed by Chair Liza Diño-Seguerra.

“Oo, excited at saka timing lang din kasi nag-start kami mag-shoot last year. Tapos, maayos ‘yung… hindi namin minadali in a way. Basta ginawa ko lang kung ano ‘yung dapat kong gawin, kung ano ‘yung kailangan. First ko ‘to, eh, kaya kailangan, maayos,” pahayag ni Boy2 nu’ng makausap namin after i-announce ang 10 entries sa PPP na magsisimula sa Setyembre 13 hanggang 19 sa mga sinehan nationwide.

Naisip daw ni Boy2 na ang pro­­yektong I’m Ellenya L. ang pinaka­tamang proyekto for his first directorial job para sa film outfit nila ng kai­bigang si Neil Arce, ang N2 Productions.

“First time lang na chinallenge ko ‘yung sarili ko, ‘Sige na, ‘wag na nating ipadirek kay Direk Joyce (Bernal) ‘to, o kaya kay Direk Irene (Villamor) na normally, nasa ganu’ng level ‘yung mga ‘yan.’ Eh, as producer, 30 days ‘yung shooting nila palagi. Sabi ko, kailangan, gumawa tayo nang 15 days. Ako na ‘yung ga­gawa,” kuwento ni Boy2.

Pero natapos daw niyang gawin ang I’m Ellenya L. sa loob lamang ng sampung araw. Although, it took his team one year para buoin ang movie mula sa pre-production pa lang up to the last portion ng paggawa ng pelikula.

Kahit busy si Boy2 bilang producer and now as a director, ‘di naman daw niya napabayaan ang sarili sa larangan ng pag-ibig.

Five years na raw ang very quiet na relasyon niya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

“Hindi lang ako ganu’n ka-expose pagdating sa mga ganyang bagay. Hindi pa namin napag-uusapan ang kasal. Ayaw ko kasing magkamali.”

Tinanong namin ng mga kasamahang press kung kailan niya balak mag-propose sa girlfriend niya gaya ng business partner niyang si Neil Arce kay Angel Locsin.

“Itong partner ko,” sabay akbay ni Boy2 kay Neil na nag-join sa interview, “eto, kaya committed, eh,” bitin na sabi ni Boy2.

“So, next year. Actually, pinaghahandaan namin ‘yung sa kanya,” dagdag pa niya.

Kinumpirma ni Boy2 na next year na magaganap ang Neil Arce-Angel Locsin nuptial.

“Oo, kailangan kong maging part nu’n, eh. ‘Yun ‘yung pinaplano nila na hopefully… But ano, wala pang, wala ako sa ano na magbigay ng impormasyon regarding d‘yan. Pero I’m just here for this guy. Ito (Neil) ang dahilan din kung bakit ako nagdirek,” tapik pa niya kay Neil na nakatayo sa tabi niya.

Then, tinanong ulit namin siya kung ano ang magiging partisipasyon niya sa kasal nina Neil at Angel next year.

“Uh, malamang Best Man naman ako nito. Pero hindi pa kami sure, ha? Pero, medyo kasama ‘yun sa… part ako sa pinaplano namin.”

Itinanggi naman ni Boy2 na siya ang nagdirek ng ginawang proposal ni Neil kay Angel kamakailan.

“Wala akong kinalaman doon. Isa nga ako sa mga nagulat doon, eh. Kasi they want it to be very intimate. I had an idea, pero ibinigay ko sa kanila, wala ako ru’n.”

Sa tingin niya, ano ang big factor para mag-decide si Neil na mag-propose kay Angel?

“Pangalan pa lang, Angel na, ‘di ba? Para maba­wasan na lang ‘yung sungay nitong kaibigan ko. Ha­haha! Hindi, pero sa totoo lang, ayun ang maganda ru’n. Matagal din kasi silang naging magkaibigan. ‘Yun ang maganda sa setup nila, hindi minadali.”

Dahil nakatayo na rin si Neil sa harap namin, tinanong siya ng editor namin dito sa Bulgar na si Ateng Janice Navida kung magiging part na ng N2 Productions niya si Angel after their wedding.

Hindi nakapagsalita si Neil pero tumango naman siya. Pasensiya na raw dahil wala siyang boses.

“Hindi ako nagla-lie. Wala talaga akong boses,” esplika niya.

When asked kung ito na ba ang last film ng N2 Productions bago siya ikasal, hindi pa raw masabi ni Neil dahil marami pa silang naka-line-up na gawin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page