2 rider todas sa banggaan
NUEVA VIZCAYA—Dalawang riders ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Inaban, Dupax del Norte sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Jeofrey Artienda at Rodolfo Ancheta, kapwa nakatira sa nasabing lalawigan.
Nabatid na kapwa umano mabilis ang takbo ng minamanehong mga motorsiklo nina Artienda at Ancheta kaya aksidente silang nagkabanggaan sa naturang lugar.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa pagamutan, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.





Comments