top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Para hindi lang puro scrambled or sunny side-up... IBA‘T IBANG LUTO NA PUWEDENG GAWIN SA ITLOG

Donna Thea Topacio
Jul 12, 2019
2 min read

SPECIALTY mo ba ang itlog, beshy? Joke! Ha-ha-ha! For sure, umay na umay ka na sa scramble o sunny side-up, ga­yun­din, ang mga mahal ninyo sa buhay dahil kahit ito ang ins­tant lutuin, eh, na­kasasawa na talaga. Kaya narito ang 5 egg dishes na dapat ninyong malaman:

1. HARD OR SOFT BOILED EGG. Sobrang dali lang nito, mga besh, magpakulo lamang ng tubig at saka ila­gay ang itlog, pagkatapos, hanguin ito depende sa gusto ninyong pagkaka­luto, puwedeng sobrang luto o hindi. Gets?

2. SCRAMBLED EGG. Sa paglu­luto nito, ang tanging dapat gawin ay batihin ang itlog at saka lagyan ng asin o iba pang pampaalat bago mo ilagay sa kawali, pagkatapos, ilang minuto lang ay makikitang luto na ito.

3. OMELLETES. Sa paggawa ng omellete, puwe­deng maglagay ng giniling, bacon at keso, cornbeef at iba pa. Ang paggawa ng omellete ay napakadali lang din, pero mas masarap ito sa pangkaraniwang itlog dahil nadaragdagan ang lasa nito. He-he-he!

4. POACHED EGG. Bagama’t, mahirap ihanda ang poached egg, kakaiba ito! Para gawin ito, magpakulo ng tubig at lagyan ito ng suka at asin na ma­katutulong para hindi kumalat ang puti ng itlog, pagkatapos, ilagay ang fresh na itlog sa kumukulong tubig at saka alisin kung luto na ito gamit ang slotted spoon.

Ang ganitong klase ng luto ng itlog ay madalas na nakikita sa mga resto­ran na sosyal. Oh, ‘di ba, bong­ga?

5. SHIRRED EGG. Ang shirred egg ay madalas na iniluluto sa mis­mong pan kung saan nakakakain tayo nito sa tuwing pumupunta tayo sa mga samgyup res­taurant. Tulad ng scrambled egg, medyo malambot ang texture nito.

Kaya sa mga beshy natin diyan na nahihirapan nang mag-isip kung paano gagawing extra ordinary ang itlog, make sure na susundin ninyo ang mga tip na ito.

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page