Mga Pinoy, tiyaking ‘di maaagawan ng trabaho sa sariling bayan


Dumarami na ang mga turista at foreign worker sa paligid.
Ito ang karaniwang eksena sa mga pamilihan at establisimyento, gayundin sa mga bakasyunan.
Kaugnay nito, nababahala ang ilang grupo sa pagdami ng mga turista at manggagawang Chinese sa bansa.
Batay sa datos ng Bureau of Immigration (BI), noong 2018, umabot sa 1,257,962 ang Chinese tourists na pumasok sa bansa kung saan ito ay mahigit doble sa naitalang 490,841 noong 2017.
Gayunman, naging triple ang bilang ng mga Chinese na nabigyan ng alien employment permit (AEP) para makapagtrabaho sa Pilipinas ng hanggang tatlong taon.
Noong 2018, ito ay umabot sa 33,516 mula sa 9,109 noong 2015.
Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), naapektuhan na ang ilang manggagawang Pilipino at maliliit na negosyo dahil napipilitan ang ilang negosyante na paupahan ang kanilang property sa mga Chinese na kayang magbayad ng mataas na renta.
Apela ng grupo, tiyaking hindi naaagawan ng trabaho ang mga Pinoy, partikular ang mga nagtatrabaho sa construction.
Maraming Pinoy ang nangangailangan ng trabaho para sa ikabubuhay ng kanilang mga pamilya kaya panawagan sa gobyerno, mga manggagawang Pinoy, huwag sanang maubusan ng trabaho!





Comments