top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Dumadayo pa sa Hong Kong… VICE, AMINADONG 'DI MAGAWA SA 'PINAS ANG NAGPAPALIGAYA SA KNAYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2019
  • 1 min read

KAMAKAILAN lang ay namataan sa Hong Kong ang It’s Showtime host na si Vice Ganda, at ayon sa kanya, ang Hong Kong ang paborito niyang puntahan when it comes to shopping.

Ayon pa sa Unkabogable Star, he chooses to shop there because he could easily roam around.

“Mahirap mamili sa Maynila. Hindi naman sa umaarte kami or umaarte ako kaya lang, siyempre, kung magmo-mall sa Maynila, kaunti lang ang oras, tapos ang daming magpapa-picture, ‘di ka naman makatanggi, eh, ako na lang mag-a-adjust,” sey ni Vice sa kanyang latest vlog entry sa YouTube Channel.

Kuwento pa ni Vice, nag-uumpisa siyang mag-shopping o mamili after lunch or at 1 PM and roamed around the different shops of Hong Kong for clothes, sunglasses and shoes. He made use his entire day in Hong Kong to shop.

Ayon pa sa TV host-comedian, ini-enjoy niya ang pamimili at ‘yun ang kanyang stress reliever.

Actually, ini-enjoy ko ang shopping kasi bukod sa ‘yung nabibili mo ‘yung gusto mo, may nararamdaman kang freedom. Una ‘yung kalayaan mong maglakad-lakad. Hindi naman sa umaarte ako, nai-enjoy ko na maraming nagpapa-picture sa akin sa Pilipinas, maraming bumabati, pero siyempre, may mga pagkakataong gusto mong malaya kang makakapaglakad para magawa mo ‘yung dapat mong gawin. Sa maikling panahon kasi sa Pilipinas, ang dami-daming trabaho. Ang sarap mag-shopping dahil nakakatanggal siya ng stress.”

Dagdag pa niya, ang pagsa-shopping ay paraan niya ng pagtatanggal ng nega vibes dahil sa dami ng negang tao at bagay sa kanyang paligid.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page