After manggaling kay Willie… JANELLE 'KIMCHI' TEE, WAGING MISS EARTH 2019

Beth Gelena / BULGARY FILES

WAGI ang former lady co-host ni Kuya Wil (Willie Revillame) sa Wowowin na si Janelle ‘Kimchi’ Tee bilang Miss Philippines Earth 2019.
Tatlumpu’t siyam na kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakalaban ni Janelle sa nasabing beauty pageant.
Aside sa pagiging Miss Philippines Earth 2019, may iba pang special awards na napanalunan si Kimchi sa naturang beauty contest.
Kung ‘di kami nagkakamali, hindi lang si Kimchi ang naging co-host ni Kuya Wil na naging winner sa beauty pageant. Si Cindy Miranda na naging co-host din ni Kuya Wil sa Wil Time, Big Time years ago ay nakipag-compete para sa Miss Tourism Queen Int’l. 2013.
Ibig sabihin lang nito, malaking oportunidad sa isang beauty contestant ang maging co-host ng isang Willie Revillame dahil nadaragdagan ang kanilang self-confidence.
Like Cindy, si Kimchi ay marami ring natutunan bilang co-host ni Kuya Wil.
Ginanap ang coronation night ng Miss Philippines Earth 2019 nu’ng Miyerkules nang gabi sa Okada Manila, Parañaque City.





Comments