Paalala na kumain ng mga prutas para maging malusog at sumigla

Salaminin natin ang panaginip ni Marie ng Marie_ Dizon@facebook.com
Dear Professor, Nanaginip ako ng atis na malalaki at sabi ko sa lola ko ay pipitasin ko ito para sa kanya, tapos, kinain namin at nakita ko sa mukha ng lola ko na masaya siya. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay, Marie
Sa iyo Marie, Kapag ang mga napapanahong prutas ay napanaginipan, ibig sabihin, kumain ka ng prutas. Dahil ang lola mo ang pinakain mo, ibig sabihin, makabubuti para sa lola mo ang pagkain nito.
Ang panaginip ay gumamit ng simbolo para maipaalala sa iyo na ang mga prutas ay may benepisyong dulot sa tao.
Kailangan ng tao ang iba’t ibang bitamina at kemikal kung saan sa panaginip mo, makukuha ito sa mga prutas.
Kaya ayon sa panaginip at ito rin ay utos sa iyo, pakainin mo ang iyong lola ng mga prutas na napapanahon dahil sa pamamagitan nito, lalakas, sisigla at hahaba ang buhay ng lola mo. Gayunman, kumain ka rin nito upang sumigla, maging malusog at lalo ka pang gumanda.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments