Maraming injections pa raw ang kailangan… ALDEN, NAKAGAT NG ASO, NAOSPITAL
- BULGAR

- Jul 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAKAGAT pala ng aso si Alden Richards kaya naispatan sa emergency room ng St. Luke’s Medical Center kamakailan. Nabahala ang mga fans ng aktor nang mabalitaan ito.
Nang makita namin siya sa mediacon ng Hello, Love, Goodbye, nabanggit ni Alden na maliit lang ang kagat sa daliri niya, pero kailangan pa rin ang anti-rabies injections.
“Marami pang injections,” ang sabi ni Alden.
Anyway, pagkatapos ng showing ng Hello, Love, Goodbye, pupunta sina Kathryn Bernardo at Alden at baka ibang cast ng movie at maging si Direk Cathy Garcia-Molina sa Dubai, Abu Dhabi at Hong Kong.
Paulit-ulit ang pasasalamat ni Alden sa Star Cinema sa pagkapili sa kanya sa role ni Ethan del Rosario at partner ni Joy (Kathryn). Nabanggit ni Direk Cathy na sina Olive Lamasan at Roxy Liquigan ang pumili sa kanya.
Pinasalamatan din nito ang GMA Network sa pagpayag na gumawa siya ng movie sa Star Cinema.
Naikuwento ni Alden na pagbabalik na niya sa ABS-CBN ang paggawa ng movie dahil nag-audition siya sa reality show ng Kapamilya Network na PBB.





Comments