top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Laban kay Thurman, ibinenta sa Dos nang sobrang mahal… PACQUIAO, INILAGLAG ANG GMA-7 PARA SA PERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2019
  • 1 min read

HANGGANG ngayon, marami pa rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit ang susunod na laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kay Keith Thurman ay sa ABS-CBN na ma­papanood ganu’ng sa ilang beses na paki­kipagsalpukan ni Pacman ay ang GMA-7 ang nakakuha ng rights para sa coverage.

Kaya, kagulat-gulat na heto at sa Dos na ibinigay ng People’s Champ ang kanyang darating na laban.

Nananatiling tahimik ang pumunuan ng GMA-7 at ni walang panunumbat na ma­ririnig patungkol kay Pacquiao.

Pero, isang insider ng Kapuso Network ang nagbigay ng info kung bakit sa ABS-CBN na napunta ang coverage ng gaganaping laban ni Pacman. Presyo ang ugat ng lahat, ayon sa aming source. Masyado raw mataas ang hinihingi ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao sa GMA-7 para sa coverage ng kanyang laban.

Sobrang taas na hindi kinaya at hindi na raw makatarungan para sa pamunuan ng Siyete. Kaya hindi na nila hinabol pa at hinangad na mapasakanila ang rights para sa Pacquiao-Thurman fight. No regrets, no bitterness.

Nalulungkot man ang mga big bosses ng Kapuso Network na naging kaibigan ni Pacman, no choice kundi tanggapin ang desisyon ng Pambansang Kamao na ibigay sa ibang network ang coverage.

Sana lang, manalo si Pacman or else, ka­pag natalo siya ay sasabihin ng mga netizens na nakarma siya sa pang-iiwan sa GMA-7.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page