top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 11, 2019 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 11, 2019
  • 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 11, 2019 (Huwebes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte na darating sa buhay mo, pero ito ang dahilan kung bakit marami ang nagsasabing ayaw mong magsikap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat matangay ng saya. Magsaya ka, pero huwag mong kaligtaan na marami ka pang pangarap na kailangan mong tutukan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-24-30-41-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay sa mga taong sinuwerte, pero hindi pinahalagahan ang mga biyaya na napunta sa kanila. Itanim mo sa iyong isipan na ang mga ito ay dapat mahalin at ingatan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-21-24-39-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Malabo mong mapigilan ang sarili mo sa paggastos sa mga walang kabuluhang bagay na sa huli ay iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-20-21-26-34.

CANCER (June 21- July 22) - Mahirap paniwalaan, pero ibinabalita ng iyong kapalaran na ang bagay na bigla mong bibilhin ay magsisilbing isa sa pinakamabisa mong pampabuwenas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-28-30-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Marami ang magiging kapalit ng itutulong mo sa iyong kapwa. Nakamasid sa iyo ang langit at nakahanda itong hulugan ka ng mga pagpapalang para lang sa mga tumutulong sa kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-31-39-41-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para sa iyo na gawin ang mga panimulang paghakbang papunta sa katuparan ng iyong malalaking pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-25-28-36-38-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hind masama ang umayaw. Minsan, nakabubuti ang pag-atras sa laban ng buhay kapag alam mong ikaw ay maaagrabiyado’t maaapi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-15-22-26-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang iyong sarili bago mo pahalagahan ang iba. Marami ang nakalilimot at napababayaan ang sarili ng dahil lang sa pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-28-30-31-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapapalapit sa iyo ang mga pasasayahin mo, pero mapapalayo ang loob sa iyo ng ilang mahal mo sa buhay dahil akala nila ay mas pinahahalagahan mo ang ibang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-14-20-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Marami ang hahanga sa iyong kapalaran kung saan kinukuwestiyon nila kung bakit mas masuwerte ka sa kanila? Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-27-30-35-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bagama’t, hindi maganda sa paningin na higit sa isa ang minamahal, para sa iyo, mas makikinabang ka sa ganitong paraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-18-24-29-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, iniuutos ng iyong kapalaran na kung saan ka masaya, roon ka. Ibig sabihin, huwag mong ipagpilitang pahabain ang iyong pagdurusa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-25-37-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page