Ayon sa mga eksperto... GATAS, NAKAPAGBIBIGAY NG MALAMIG NA PAKIRAMDAM SA KATAWAN


BAGAMA’T tapos na ang tag-init dapat pa rin ninyong malaman ang kering gawin ng gatas sa ating katawan sa tuwing nakararamdam tayo ng mainit na pakiramdam kung saan ayon sa mga eksperto, ang gatas umano ay nakaku-cool down kaya epektibo itong panlaban sa mainit na panahon. Wow!
Ang gatas ay nakapagpapatibay ng mga buto dahil sa taglay nitong calcium. Pero, dehins lang ‘yan ang kaya nitong gawin dahil para sa mga mahihilig sa maaanghang diyan, perfect ito para hindi mag-apoy ang inyong bibig.
Ayon sa mga researcher mula sa Pennsylvania State University, sinuri nila ang 72 adults kung saan kumain ang mga ito ng chilli, gayunman, kalahati sa kanila ay binigyan ng gatas at ang kalahati ay binigyan ng tubig.
Napatunayan sa eksperimento na mas madaling natapos sa pagkain ng chilli ang mga kalahok na mayroong gatas kumpara sa mga mayroong tubig.
Ito ay dahil kahit hindi umano ilagay sa refrigerator ang gatas, may cooling effect na ito kaagad, lalo na kapag nasa bibig ito o kaya ay dumaloy na sa lalamunan.
Samantala, ang pag-aaral ay nai-report sa Physiology and Behavior at sabi ng mga siyentipiko, ang cooling effect na mayroon ang gatas ay maaaring nakukuha sa protinang mayroon ito.
Ngayong alam na natin na epektibong panlaban sa anghang ang gatas, make sure na gagawin ninyo ito bago umusok ang mga tainga ninyo. Hi-hi-hi! Gets n’yo?





Comments