MILKMEN KAMPEON SA UNTV CUP, BEERMEN 2ND, HOTDOGS, 3RD


IPINAKITA ni Willie Miller kung bakit karapat-dapat siyang maging Most Valuable Player (MVP) ng dalawang beses at iniangat ang Alaska Milk sa makapigil-hiningang 77-75 na panalo kontra San Miguel Beer sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff final noong Lunes sa harap ng jam-packed crowd sa Smart Araneta Coliseum.
Ang hindi nagbagong si Willie na palangiti at masayahin sa edad na 41, ay nagpasabog ng 3 puntos nang pangunahan ang Milkmen sa isang nagbabagang panalo kontra Beermen sa wnner-take-all match na may P1-M top prize.
Nakagawa rin siya ng 4 assists at 3 rebounds upang makatapat si one-time MVP Johnny Abarrientos na nagawang makapagpalakas sa team sa kaagahan ng playoff period para habulin nila ang 60-52 deficit.
Karga pa rin ang dating mga galaw na may sigaw pang “ooh” at “aahs” na dati ring porma niya, nakagawa si Abarrientos ng 12 puntos, kasunod ng 6 assists, 6 rebounds at 4 steals. Sa ipinakita pa rin niyang laro sa four-team, at isang buwan na torneo, nakapagposte si four-time MVP Alvin Patrimonio ng double-double points nang yanigin ng Purefoods ang Ginebra, 98-75 para sa battle for 3rd place sa event na inorganisa ni UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon.
Nakatipon si Patrimonio ng 16 puntos at 13 boards, nagmula sa kaagahan ng 4th period kung saan doon na sa huling bahagi humabol ang Hotdogs.
Pero ang biggest winner ng gabing iyon ay ang PBA Legends Foundation na pinamumunuan ni dating Crispa Hotshots Atoy Co. Kasama na ang top purse na P1-M, nakatanggap ang foundation ng tax-free P2-M mula sa nag-organisang UNTV.
Ayon kay Dr. Razon, ang P2 million ay gagamitin na tulong para sa mga dating PBA players na may sakit at nangangailangan ng financial assistance.
Ang titulo ng Alaska ang tumapos sa four-game winning run ng San Miguel sa torneo, kabilang na ang pananambak sa 76-61 ng Milkmen sa elims. (MC)





Comments