Matapos kumalat na na-interview ni Kuya Boy… KALAT NA: MAINE, PASOK SA DOS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MARAMI ang nanghuhula kung tuluyan na bang lumipat ang Phenomenal Star ng Siyete na si Maine Mendoza sa ABS-CBN dahil may kumakalat na teaser video na ini-interview siya ni Boy Abunda sa show nitong Tonight with Boy Abunda.
Hula naman ng ilan, para ito sa promotion ng pelikula nila ni Carlo Aquino under BlackSheep Entertainment.
Ngayon pa lang, excited na ang mga fans na malaman kung ano ang mga ibubulgar ni Yaya Dub sa naturang show.
At kung totoo nga ang guesting niya sa TWBA, ito ang unang pagtapak ni Maine sa Kapamilya Network.





Comments