HOROSCOPE | Hulyo 10, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jul 10, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 10, 2019 (Miyerkules): Malalaking tagumpay ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong tinatahak kaya dapat hindi maliliit na pangarap ang iyong mithiin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit kung ano ang pinakagusto mo. Kahit mahirap mangyari at may pagkaimposible, gagawa pa rin ng paraan para sa iyo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-18-20-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag napansin mong bigla kang tumapang, panatilihin mo ang pagiging mahinahon. Marami na ang nagsisi dahil hindi nakontrol ang kanilang tapang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-21-24-35-37.
GEMINI (May 21- June 20) - Piliin mo ang bagay kung saan ka madadalian. Mahalagang magtagumpay ka kahit sa maliit na bagay. Ang matututunan mo ay magagamit mo sa iyong malalaki at mahihirap na proyekto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-26-31-32-39.
CANCER (June 21- July 22) - Mangyayari ang hindi mo gustong mangyari. Mapatutunayan sa buhay mo na ang langit ang nakaaalam kung ano ang mabuti sa tao.Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-26-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit gumaganda ang takbo ng mga pangyayari sa kapalaran mo, mananatiling nakabantay ang langit sa iyo dahil nananatili rin at hindi titigil ang mga inggitero’t inggitera sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ay magtataka ngayon dahil sa kakaibang sigla mo kung saan makikitang magagawa mo ang mga bagay na dati mong pinagdududahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-13-25-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi ka dapat magtaka kapag nabawasan ang pagtingin mo sa dating gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-8-11-21-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Wala kang lakas para gawin ang malalaking bagay na gustung-gusto mo. Ang masayang balita para sa iyo ay pahihiramin ka ng lakas ng loob ng iyong bagong kakilala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-26-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para hindi sumakit ang ulo mo, unahin mo ang iyong mga prayoridad sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-16-18-20-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling lalakas ang loob mo. Gamitin mo ito para mabilis kang umasenso. Iwasan mo itong magamit sa ibang bagay tulad ng pakikipag-argumento sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-12-29-30-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit ikaw sa sarili mo ay magtataka at mahihiwagahan sa biglaang pagpapalit ng pasya mo. Gayunman, ipanatag mo ang iyong kalooban dahil ang totoo, dati ka ng pabagu-bago ng isip. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-21-28-37-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mangarap ka at lakihan mo ang iyong pangarap, gayundin, itodo mo ang iyong pagsisikap. Ito ang susi para sa tulad mo na may kakayahang maabot ang mga dakilang tagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-22-28-39-43.




Comments