top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

RISERS, LANTERNS AT STARS, UMAALAGWA SA LAKAN CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
1 min read

GINIBA ng Bataan, Pampanga at Quezon City ang kani-kanilang mga karibal upang makabalik sa winning track sa MPBL Lakan Season noong Sabado ng gabi sa Angeles University Foundation Arena sa Angeles City.

Parehong natalo sa huling dalawang laro ang Bataan at Pampanga, pero nakahanap ng paraan upang matibag ang kani-kanilang kasagupa. Naging dominante ang Risers ng Bataan sa kanilang performance at napasuko ang makulit na expansion squad ng Mindoro Tamaraws, 97-87.

Ginulat naman ng Quezon City ang walang talong Iloilo, 84-80 nang mamuno si Joco Tayongtong sa apat pang players para sa dobleng pigura para sa Capitals. May 20 puntos si Tayongtong.

Sa kabila ng pagiging most talented teams, nahirapan pa muna ang Risers sa torneo, pero nagawan ng paraan ni head coach Jong Uichico na muling ibangon ang bangis ng tropa. “Actually, it was me who’s struggling not the players, because the players, particularly the newcomers in the MPBL play similarly in the collegiate ranks – the up tempo style of play. I’m having difficulty with that, especially in a 40-minute game,” dagdag ni Uichico, ang 9-time PBA champion.

Ang panalo sa Tamaraws, ang nagpaibayo sa Risers sa kanilang win-loss record sa 2-2 sa northern division ng torneo. Tulad ng Bataan, giniba rin ng Pampanga ang Bulacan Kuyas sa bisa ng 69-63 win para sa ikalawang laro sa apat nilang game. Ang pagkatalo ang ikalawa nila sa limang laro para sa Kuyas. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page