top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAGING HABAMBUHAY NA KERIDA KUNG HINDI IIWANAN ANG B

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Paano malalaman kung mahal ka ng pamilyadong tao? Puwede bang mangyari na ako ang piliin niya kaysa sa kanyang legal wife?

‘Yun kasi ang sabi at pa­ngako niya sa akin, kumu­ku­ha lang daw siya ng tiyempo at iiwanan daw niya ang kan­yang asawa para kami na ang magsama, habambuhay.

Compatible at kami na ba ang magsasama, habam­buhay? October 1, 1991 ang birthday ko at January 3, 1973 naman ang birthday niya.

Umaasa,

Melay ng San Francisco, Santo Tomas, Batangas

Dear Melay,

Alam mo, mukhang malabong mangyari ang pangako ng boyfriend mong pamilyado na ipagpalit ka sa legal wife niya dahil kahit saang anggulo mo tingnan, kung sakali mang ma­naig ang relasyon ninyo hangga’t hindi hinihiwalayan nang legal o dini-divorce ng boyfriend mo ang misis niya, ang in­yong relasyon ay mananatiling iligal at immoral.

Kaya para makaiwas ka sa kasalukuyan mong sitwasyon, mas mainam kung hindi ka na makikipagkita sa boyfriend mo kahit mahal mo siya o mahal ka niya.

Sapagkat sa pag-aanalisang Astro-Numerology, sadyang hindi compatible ang zodiac sign mong Libra na pinangingi­babawan ng elementong air o hangin sa zodiac sign niyang Capricorn na may elementong earth o lupa, gayundin, ang birth date mong 1 at 3 ang boyfriend mo ay hindi tugma sa isa’t isa.

Sa tanong mo kung puwede ka bang piliin ng taong may pamilya na? Hindi, dahil kung magagawa niya ‘yun, dapat ngayon na! Dahil hindi niya kayang iwanan ang kanyang pa­milya, gagawa siya ng pangako at dahilan at ang pinaka­magandang dahilan para hindi mangyari ang pangako niya, sasabihin niya sa iyong maghintay ka muna ng sapat na pa­na­hon dahil hu­­ma­hanap lang siya ng tamang pag­kakataon.

Pero, pustahan, ang “tamang pagkakataong” hinahanap niya ay hindi na darating pa kahit kailan hanggang sa malibang at mawili ka na sa pakikisama sa lalaking may asawa at pa­­milya na. Tulad ng nasabi na, Melay, siguradong lilipas ang mara­ming taon habang tuluy-tuloy ka niyang inuuto, hindi darating ang hinihintay mong mas pipiliin ka niya kaysa sa kanyang pa­milya hanggang sa matagpuan mo na lang ang iyong sarili na losyang na at habambuhay na kerida at ang masaklap pa nito, baka mabuntis ka niya na sa bandang huli, maging single-mom ka pa.

Kaya kung hindi ka makapapayag na maging habambuhay na kerida, ano pa ang hinihintay mo?

Sa ganyang paraan, hindi lang sariling landas mo ang iyong itinutuwid, bagkus, tinu­tu­lu­ngan mo rin ang iyong kala­guyo na magbagong-buhay at maging mabuting magulang sa kanyang mga anak at maging tapat at responsableng haligi ng tahanan.

Sa ganyang paraan, umiwas ka sa kaimoralan, kasabay nito ay igina-guide mo ang iyong kapwa na gumawa ng kabu­tihan, darating ang panahong gagantimpalaan at pagpapalain ka ni Lord — sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, bibiyayaan ka Niya ng maunlad at pang­habambuhay na pamilya, hatid ng lalaking isinilang sa bu­wan ng Pebrero na nakatakdang mangyari sa taong 2020, sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page