top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 09, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 9, 2019 (Martes): Kahit ma­lalaki ang pagsubok sa buhay mo, mas malalaki naman ang mga suwer­teng nakalaan para sa iyo. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pag­silang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inihahanda ka ng iyong kapalaran sa pagdating ng mala­la­king suwerte. Pinata­tatag ka nang sa gayun ay hin­di masayang ang mga ito kapag hawak mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-23-39-40-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gamitin ang inire­galo sa iyo na munting bagay. Ito ang iyong pinaka­ma­bisang pampasuwerte. Dapat mong malaman na wala itong kabuluhan kapag nakatago lang. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-21-37-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Bilisan mo ang pag­kilos pagka­tapos mong magdesis­yon. Ito ay para hindi ka masingitan ng mga ne­gatibong ideya na mag­reresulta sa iyong pang­hi­hi­nayang at pagsisisi sa huli. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-1-18-26-31-36-39.

CANCER (June 21- July 22) - Ipanatag mo ang iyong kalooban, mas magandang kalmado ka lang sa kabila ng mga pag­subok na iyong pinagda­ra­anan. Ito ang susi upang malagpasan mo ang mga hamon ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-32-35-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­laking bagay para sa mga taong nag-a­akalang wala na silang pag-asa ang iyong masayang pakikiharap sa kanila. Makikita na muli silang si­sigla para harapin ang ka­nilang bagong umaga. Ma­su­werteng kulay-black. Tips sa lotto-19-23-24-26-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang sandata mo laban sa anu­mang hamon ng iyong ka­palaran na lalagay sa iyong harapan. Kaya ang dam­damin mo ay hindi dapat manghimasok sa pagpapasya mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-15-29-39-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa ba­hay ka lang, isuot mo ang damit na iyong panlakad. Ito ay dahil ito ang pina­ka­­epektibong pampasu­werte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-25-34-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palag­pasin mo ang init ng ulo ng tao. Hindi mo dapat ma­kabangga ang taong mainit ang ulo. Mawawala ang alab ng apoy kapag hina­yaan mo lang siya. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-23-28-39-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong sarili. Pina­sa­saya mo ang ibang tao, pero ang sarili mo, mada­las ay nakalilimutan mo. Kapag masaya, lumalabas ang mga nakatagong su­werte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-15-16-33-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Pa­ha­lagahan at mahalin mo ang magagandang bagay na ma­pasasaiyo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-21-27-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magulat, sundin mo lang ang payo ng iyong kapa­la­ran na ang mga ayaw mong gawin ay gawin mo. Ito ang magbibigay sa iyo ng mala­laking suwerte. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-22-25-41-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suriin mo ang iyong sarili at ang mga gusto mong mang­yari. Ang araw ngayon at ang ilang araw pang darating ay para sa pagbabalik-tanaw. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-26-27-30-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page