top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

FIBA U-19: BATANG GILAS, 14TH PLACE; U.S. KAMPEON

Alvin Olivar
Jul 9, 2019
1 min read

TUMAPOS na pang-14th ang Gilas Pilipinas Youth sa FIBA Under-19 Basketball World Cup pagkaraang matalo laban sa New Zealand kagabi sa Heraklion, Greece.

Sa huling laro ng Gilas Youth sa torneo ay kinapos ang koponan na makakuha pa ng panalo pagkaraang makasikwat ng isa laban sa China. Nagtapos ang Gilas Pilipinas Youth na may 1-6 na kartada sa torneo.

Tabla pa ang naging laban sa 70-70 ngunit, binasag ito ni Flynn Cameron na umiskor ng lay-up sa 51 seconds na natitira sa laro.

Hindi naitabla ni Gerry Abadiano pagkaraang magmintis ng lay-up. Nasambot ni Cameron ang rebound at nakakuha ng unsportsmanlike foul mula kay Carl Tamayo.

Umiskor ng dalawang free throws si Cameron upang umakyat sa apat ang kalamangan at tapusin ang panalo.

Gumawa ng 24 points at 12 rebounds si Tamayo habang umiskor ng tig-16 points sina Dave Ildefonso at Dalph Panopio.

Samantala, nagkampeon ang United States sa torneo matapos talunin ang Mali sa iskor na 93-79. Gumawa ng 21 points si Cade Cunningham habang 15 points ang itinala ni Jalen Suggs. Isang puntos lang ang nakolekta ni Fil-American Jalen Green sa laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page