top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... MISTER NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA PAG-A-ABROAD KUNG IIWASANG MAGING NEGAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Ipaaanalisa ko sa inyo ang mga palad ko dahil hindi ako expert na tulad ninyo. May sloping Head Line ako o ‘yung med­yo nakakurbang pabi­log ang dulo.

  2. Sabi ninyo, dapat pa-straight ang Head Line da­hil ganu’n ang mga taong yumayaman.

  3. Kung hindi yaya­man ang sloping o pakurbang Head Line, ano kaya ang mangyayari sa aking ka­palaran, lalo na sa career?

  4. Ngayon ay nag-a-apply ako sa abroad, ang problema ko kapag natuloy ako, sino ang mag-aasikaso sa mga anak ko dahil nagwo-work din ang misis ko bilang guro at sabi niya, kahit daw nasa abroad na ako, hindi pa rin daw siya magre-resign sa pagtu­turo, sayang daw kasi ‘yung benepisyo na matatang­gap niya kapag nasa re­tire­ment age na siya.

  5. Kaya kahit nag-ap­ply ako sa abroad, sa pa­lagay ninyo, may magan­dang oportunidad kayang nakalaan para sa akin?

  6. Kahit sloping ang Head Line sa aking mga palad, puwede rin kaya kaming yumaman?

KASAGUTAN

  1. Tulad ng kasalukuyan mong pag-uugali, ito ang nais ihayag ng sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Mas nauuna ang negatibong pag-iisip kaysa ang magandang pangyayari sa hinaharap.

  2. Ito ay kongkretong ha­limbawa ng iniisip mong pag-a-abroad, hindi ka pa na­tu­tuloy ay sari-saring negati­bong bagay at pag-aalinlangan na ang pumapasok sa iyong isipan dahil slo­ping ang iyong Head Line (H-H arrow a.), ibig sabihin, im­bes na luma­wak ay unti-un­ting dumidi­kit o lumalapit sa Life Line (arrow b.) na na­nga­­ngahulu­gang malayo na sana ang narating at naabot mo kung hindi ka “self-cons­cious”, ini­­isip at gi­nagawa mo. Dagdag pa rito, hindi lang “self-cons­cious”, bagkus, ang mas ma­sak­lap pa nito, sa kapapan­sin mo sa ma­aaring mangyari sa iyong mga ginagawa ang mas nau­una mong naiisip ay ‘yung mga negatibong senaryo at pagiging metikulosong pi­nalala pa ng zodiac sign mong Virgo. Tanda na dahil sa pagi­ging perpeksiyunista, mas na­kikita nila ang maliit na mantsa sa kulay puting da­mit kaysa ang kabuuang ku­lay at ganda ng nasabing ka­suotan.

  3. Sa madaling salita, ka­pag hindi ka nagbago ng pa­nanaw sa buhay, tulad ng na­sabi na, malayo na ang na­ra­rating ng mga kasabayan at kaibigan mo, pero kayo ng misis mo ay isang kahig, isang tuka pa rin, ito ay dahil palagi kayong negatibo kung mag-isip.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, JR, kapag hindi mo naiwaksi sa iyong isipan ang mga pag-aalala at pag-aalinlangan sa iyong kakaya­han kahit patuloy na mag­turo sa public school ang misis mo at makapag-abroad ka rin, hindi pa rin kayo ya­yaman.

  2. Sa kabilang banda, tan­daang, magsisimula lamang kayong yumaman sa sanda­ling naging positibo at prati­kal na ang laman ng inyong isipan at kapag tiniting­nan mo nang mas maganda ang bawat pangyayari sa inyong buhay, unti-unti na ring i-straight ang sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) hanggang sa bu­malik ito sa tamang direk­siyon — ang pagiging tuwid na Head Line (arrow c.) na nagbabadya nang walang du­dang pag-unlad hanggang sa tuluyan na kayong yuma­man.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page