HOROSCOPE | Hulyo 08, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 8, 2019 (Lunes): Napakalakas ng iyong pandama, hindi lang motibo ng tao ang madarama mo, ang totoo, puwede mong madama ang bagay na mangyayari pa lang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Piliin mo sa marami mong pangarap ang bagay na malaki ang posibilidad na maabot mo. Ang iba pa ay isantabi mo muna dahil sa ibang panahon ay puwedeng-puwede pa rin itong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-24-30-43-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mula sa malayo, nagmamadaling dumating sa buhay mo ang magagandang kapalaran. May mga suwerte ka rin sa malapit, pero ‘yung nasa malayo, salubungin mo nang may saya sa puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-21-30-40-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Ipinapayo ng kapalaran mo na kumuha ka muna ng magagandang ideya sa iyong mga kakilala sa binabalak mong pagkakakitaan. Ang pagdaragdag ng kaalaman ay makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-20-24-30-33.
CANCER (June 21- July 22) - Nasa todong lakas ang iyong mga suwerte. Huwag mo itong sayangin, gamitin mo ito para mapabilis mo ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-14-29-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon. Kahit ipilit mo na ikaw ay mananatiling malakas, hindi mo kaya na hindi maawa sa minsan ng hindi nakatupad sa kanyang salita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-25-39-41-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pahalagahan mo ang iyong damdamin. Huwag mong saktan ang iyong sarili. Hindi maganda na magsasakripisyo ka nang labag sa iyong kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-29-30-33-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbababala ang iyong kapalaran na ang nasa malapit ay magtatampo sa iyo dahil madarama nilang pinahahalagahan mo ang mga nasa malayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masuwerte ka ngayon! Kahit kontrahin ng mga lihim at lantad mong kaaway ang magagandang kapalarang darating sa iyo, wala silang magagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-18-24-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituro mo ang lihim ng iyong tagumpay. Ang hindi nagdaramot sa kanilang kaalaman ay mas lalong bibiyayaan ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-39-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napakalakas ng iyong imahinasyon sa araw na ito. Mas magandang gabayan mo ang iyong isip na tutukan lang ang mga positibong bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-25-30-31-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamasyal ka kahit sandali lang. Ang pananatili sa loob ng bahay ay magdudulot sa iyo ng kalungkutan at ang kalungkutan ay dahil sa pagkakaroon mo ng karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-16-22-27-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Muling gaganda ang takbo ng iyong kapalaran. Mawawala na ang iyong pananamlay at mapapalitan ito ng kakaibang sigla at ang mga tila imposible para sa iyo ay magiging posible. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-24-29-30-36-41.




Comments