top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dagdag-bawas sa presyo ng gas

Gina Pleñago
Jul 8, 2019
1 min read

MAGKAKAROON ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng Shell at Petro Gazz, may dagdag na P0.25 sa kada litro ng gasolina ha­bang may tapyas namang P0.40 sa kada litro ng diesel.

Ayon pa sa Shell, maba­bawasan din ng P0.35 ang kada litro ng kanilang kero­sene o gaas.

Ipatutupad ang bagong oil price adjustment simula alas-6:00 bukas ng umaga.

Samantala, naunang nag­patupad ng P0.40 na bawas-presyo sa diesel ang Phoenix Petroleum Philippines epek­tibo alas-12:00, Sabado ng tanghali.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo ng bagong presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kumpanya ng langis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page