top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Rebelde tepok sa engkuwentro

Pabs Hernandez III
Jul 7, 2019
1 min read

ORIENTAL MINDORO—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan, kamalalawa sa Bgy. Loyal, Victoria sa lalawigang ito.

Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na rebelde.

Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at Police Regional Mobile Force nang makasalubong ang may 30 miyembro ng NPA at dito na naganap ang engkuwentro sa magkabilang panig na ikinasawi ng isang rebelde.

Nang makita ng mga NPA na napatay ang kasamahan nilang rebelde ay mabilis silang tumakas patungo sa bulubunduking lugar sa nasabing barangay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page